Sunday, September 15, 2013

Bakit Mahalaga ang OJT sa ating pag aaral?

Alam nating required sa ating mga college students na kumuha ng OJT pag dating natin ng 2nd-3rd year sa college. Bakit nga ba dapat tayo mag take ng OJT sa kursong ating napili, ano nga ba ang maidudulot  nito sa ating pag-aaral sa kolehiyo?.

Kaming mga college students ay gumawa ng survey upang malaman namin ang  mga naidudulot ng OJT sa kanilang pagaaral sa kolehiyo. Nagikot-ikot kame sa ibat- ibang universidad sa maynila upang makuha ng datos ukol sa ating tinatalakay. Nagbigay kame ng mga survey forms at questionaire sa mga piling estyudante na mayroon OJT, at napagalaman namin na required  sa unibersidad nila ang OJT na bago sila magkapag tapos ng kolehyo ay nakapag OJT na sila sa kurong napilia nila.

Sa bagay kailangan talaga natin ito sa ating pagaaral, kahit kaming kumukuha ng survey ay kailingan din daming mag OJT sa aming kursong napili. Bakit nga ba?. Pagkatapos naming kumha ng mga survey sa ilang mag-aaral ng unibersidad ay nagtanong-tanong kami at nagbigay ng mga survey forms sa ilang OJT Adviser sa ilang piling unibersidad sa maynila. Sa nakalap namin ng datos ay pumili kami ng ilang OJT Adviser na nagbigay ng kanilang payag tungkol sa OJT.


Mr. Alberto
"Sa ating kasalukuyang sistema ng pag-aaral ay kailangan ng ating mag-aaral na mag-OJT sa kanilang kursong napili,Bkt? Dahil makakatulong ito para mahubog at magamit ang kakayahan at mga natutunan sa kanilng mga guro na makakatulong din sa kanilang sarili, lalo na sa kasanayan sa bagay na gustong mong matutunan at mapag-aralan."

ang sabi naman ni...

Mr.Casibang
" Makakatulong sa ating mga mag-aaral ang pagkuha ng OJT Dahil dito makakuha ng karanasan ang isang mag-aaral sa kanyang napiling kurso at mabibigyan ang mga mag-aaral ng lakas na loob na mag-pursiging mag-aral upang sa hinaharap ay magamit nila ang kanilang natutunan sa ating bansa."

ayon naman kay...

Mr.Fotinillo
" Sa pagkuha ng OJT magagamit ng mga mag-aaral ang kanilang karanasan upang mas lumaki ang kanilang kaalaman at mapaunlad nila ang kanilang natutunan, Hindi lang yun maaring pang kumita ang isang mag-aaral sa kanyang pinapasukang OJT at matutulungan niya ang kanyang sarili."

Ang mga Pangalan na naibangit sa Itaas ay kanilang personal na opinyon lamang, marami pa sa ating mga kababayan ang makakatulong sa atin tungkol sa pagkalap ng mga datos ukol sa pagkuha ng OJT.


Para sa sarili kong Opinyon, Bakit nga ba nating kailangan kumuha ng OJT Pagtung-tong naten ng kolehyo?

Para sa akin ang Pagkuha ng OJT ay makakatulong ating mapaunlad ang ating mga kakayahan at magamit natin ito sa trabaho. Malalaman natin sa OJT ang mga tanong na halimba nito: Ano nga ba ang ginagawa sa kursong ito?, mahirap ba ang kursong ito?, mataas ba ang sahod sa kursong ito? at ganito pla ang kursong ito. sa mga ganitong tanong makakatulong sa atin ang magkuha ng OJT upang sa hinaharap ay may-alam tayo kung bakit nga ba ito ang napili mo kusro sa kolehiyo. mabibigyan tayo ng mga kasagutan tungkol sa ating napiling kurso pag nakagpag tapos na tayo sa kolehiyo.


Malaki ang kaugnayan ng OJT sa ating pag-aaral dahil napakalaking tulong ang mabibigay sa atin nito.
Hindi lang iyon makakatulong pa ito na magbigay linaw sa ating kursong nakuha upang sa hiniharap ay hindi tayo mahirap sa ating nakuhang kurso dahil halimbawa  nagkamali tayo ng napili dahil yun n nga! hindi natin alam na ganito pala ang kursong ito. Kaya sa pagkuha ng OJT malalaman natin ang mga ginagawa at mga magagawa sa kursong ating nakuha. Kaya pag-isipan ng mabuti ang kursong kukunin upang sa huli ay hindi tayo mag-sisi ating nakuhang kurso.